1. PAALAM NA SINTANG LUPANG TIUBUAN

BAYANG MASAGANA SA INIT NG ARAW,

EDENG MALIGAYANG SA AMI;Y PUMANAW

AT PERLAS NG DAGAT SA DAKONG SILANGANAN.

 

2. INIHAHANDOG KO NG GANAP NA TUWA

SA IYO ANG BUHAY NALANTA’T NAABA,

NAGING DAKILA MA’Y IAALAY RIN NGA

KUNG DAHIL SA IYONG IKATITIMAWA.

 

3. ANG NANGASADIGMANG DUMOG SA PAGLABAN

HANDOG DIN SA IYO ANG KANILANG BUHAY

HIRAP AY DI PANSIN AT DI GUNAMGUNAM.

ANG PAGKAPAROOL O PAGTATAGUMPAY.

 

4. BIBITAYA’T MADLANG MABANGIS NA SAKIT

O PAKIKIBAKANG LUBHANG MAPANGANIB

PAWANG TITIISIN KUNG ITO ANG NAIS

NG BAYA’T TAHANANG PINAKAIIBIG.

 

5. AKO’Y MAMAMATAY NGAYONG MINAMALAS

ANG KULA’Y NG LANGIT NA NANGANGANINAG

NG IBINABALANG ARAW AY SISIKAT,

SA KABILA NIYONG MAPANGLAW NA ULAP.

 

6. KUNG DUGO ANG IYONG KINAKAILANGAN

SA IKARIRILAG NG IYONG PAGSILANG

DUGO KO’Y IBUBO’T NG ISA MAN LAMANG

SA NGUMINGITI MONG SINAG AY KUMINANG.

 

7. ANG MGA NASA KO MULANG MAGKAISIP

MAGPAHANGGANG NGAYONG MAGANAP ANG BAIT

ANG IKA’Y MAKITANG HIYAS NA MARIKIT

NG DAGAT-SILANGAN NA NAKALILIGID.

 

8. NOO MO’Y MANINGNING AT SA MGA MATA

MAPAIT NA LUHA, BAKAS MA’Y WALA NA,

WALA KA NG POOT, WALA NG BALISA,

WALANG KADUNGUA’T MUNTI MANG PANGAMBA.

 

9. SA SANDALING BUHAY MAALAB KONG NAIS

ANG KAGALINGAN MO’T ANG PAIWANG SULIT

NG KALULUWA KONG GAYAK NG AALIS,

GINAHAWA’Y KAMTAN MO, ANONG PAGKARIKIT!

 

10. NANG MAABA’T IKA’Y MAPATAAS LAMANG,

MAMATAY AT UPANG MABIGYAN KANG BUHAY,

MALIBING SA LUPANG PUSPOS NG KARIKTA’T

SA SILONG NG IYONG LANGIT AY MAHIMLAY.

 

11. KUNG SA IBANG ARAW, IKA’Y MAY MAPANSIN

NIPOT NA BULAKLAK SA ABA KONG LIBING,

SA GITNA NG MGA DAMONG MASISINSIN

HAGKA’T ANG HALIK MO’Y ITAOS SA AKIN.

 

12. SA SAMYO NG IYONG PAGSUYONG MATAMIS,

MATAOS NA TAGHOY NG MAY SINTANG DIBDIB,

BAYAANG TUMANGGAP NOO KO NG INIT,

NA NATATABUNAN NG LUPANG MALAMIG.

 

13. BAYAAN MONG AKO’Y MALASIN NG BUWAN,

SA LIWANAG NIYANG HINAHO’T MALAMLAM

BAYAANG IHATID SA AKING LIWAYWAY

ANG BANAAG NIYANG DAGLING NAPAPARAM.

 

14. BAYAANG HUMIBIK ANG SIMOY NG HANGIN,

BAYAANG SA HUNING MASAYA’Y AWITIN

NG DARAPONG IBON SA KRUS NG LIBING

ANG BUHAY PAYAPANG IKINAAALIW.

 

15. BAYAANG ANG ARAW NA LUBHANG MANINGAS

PAWIIN ANG ULAN, GAWING PAWANG ULAP

MAGING PANGINORING SA LANGIT UMAKYAT

AT ANG AKING DAING AY MAPAKILANGKAP.

 

16. BAYAANG ANG AKING MAAGANG PAGPANAW

ITANGIS NG ISANG LUBOS NA NAGMAHAL,

KUNG MAY UMALALA SA AKIN NG DASAL,

AKO’Y IYO SANANG IDALANGIN NAMAN.

 

17. IDALANGIN MO RIN ANG DI-NAGKAPALAD

NA NANGAMATAY NA’T YAONG NANGAGHIRAP

SA DAMING PASAKIT, AT ANG LUMALANGKAP

NAMING MGA INA NG LUHANG MASAKLAP.

 

18. IDALANGIN SAMPO NG BALO’T ULILA,

AT NANGAPIPIIT NA TIGIB NG DUSA,

IDALANGIN MO RING IKA’Y MATUBOS NA

SA PAGKAALIPING LAONG BINABATA.

 

19. KUNG NABABALOT NA ANG MGA LIBINGAN,

NG SAPOT NA ITIM NG GABING MAPANGLAW

AT WALA NG TANOD KUNDI PAWANG PATAY

HUWAG GAMBALAIN ANG KATAHIMIKAN.

 

20. PAGPITAGANAN MO ANG HIWAGANG LIHIM,

AT MAPAPAKINGGAN ANG TINIG MARAHIL,

NG ISANG SALTERIO, ITO NGA’Y AKO RIN,

INAAWITAN KA NG AKING PAGGILIW.

 

21. KUNG ANG LIBINGAN KO’Y LIMOT NA NG MADLA.

AT WALA NG KRUS NI BATO MANG TANDA,

SA NANGAGBUBUKID AY IPAUBAYANG

BUNGKALI’T ISABOG ANG NATIPING LUPA.

 

22. ANG MGA ABO KO’Y BAGO PAILANLANG

MAUWI SA WALA NA PINANGGALINGAN,

AY MAKALAT MUNANG PARANG KAPUPUNAN

NG IYONG ALABOK SA LUPANG TUNTUNGAN.

 

23. SA GAYO’Y WALA NG ANUMAN SA AKIN

AKO’Y LIMUTIN NA’T AKING LILIBUTIN,

MGA HIMPAPAWID, KAPARANGA’T BANGIN

AT AKO SA IYO’Y MAGIGING TAGINTING.

 

24. BANGO, TINIG, HIGING, AWIT NA MASAYA,

LIWANAG AT KULAY NA LUGOD NG MATA,

UULIT-ULITIN SA TUWI-TUWINA

ANG KATAIMTIMAN NG AKING PAG-ASA.

 

25. SINTANG PILIPINAS, LUPA KONG HINIRANG

SAKIT NG SAKIT KO, NGAYON AY PAKINGGAN

HULING PAALAM KO’T SA IYO’Y IIWAN

ANG LAHAT AT MADLANG INIROG SA BUHAY.

 

26. AKO’Y YAYAO NA SA BAYANG PAYAPA

NA WALANG ALIPI’T PUNONG MAPANG-ABA

DOO’Y DI NANATAY ANG PANINIWALA

AT ANG NAGHAHARI’Y DIYOS NA DAKILA.

 

27. PAALAM NA AKO, MAGULANG, KAPATID

BAHAGI NG PUSO’T UNANG NAKANIIG,

IPAGPASALAMAT ANG AKING PAG-ALIS

SA BUHAY NA ITONG LAGI NG LIGALIG.

 

28. PAALAM NA LIYAG, TANGING KAULAYAW

TAGA-IBANG LUPANG AKING KATUWAAN,

PAALAM SA INYO, MGA MINAMAHAL

MAMATAY AY GANAP NA KATAHIMIKAN.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on google
Share on pinterest
Share on reddit
Share on mix

Leave a Comment