“KAHULUGAN NG KALK, LBL NOS. 1-32; ayon sa Istandarte

1. Ang KTT. AMA ng lupa’t kalangitan na Lumikha sa lahat, na Walang Pasimula at Walang Hanggan; Lolo, Angel Lorenzo, ito ang unang kahulugan ng KALK, LBL NOS. 1-32.

2. Ang ikalawang kahulugan ng “KALK, LBL”, ay kinakatawan ng “KRUS”; na, tumutukoy sa Banal  na Kristo O Kristona ng mga bansa sa lupa; ang Diyos Ama, Diyos Ina, Diyos Anak at Diyos Ispiritu Santo, na pawang mga Anak ng DIYOS NILANG AMANG KATAAS-TAASAN, na ang isa pang katawagan sa Kanya ay “SOLO INFINITO DIYOS.”

3. Kinakatawan din ang KALK, LBL, NOS.1-32, ng malaking “AGILANG PUTI;” na, nakatungtong sa hugis PUSONG BANDILA ng Pilipinas; na, walang iba kundi ang Diyos Ispirito Santo, ang nagsasabog ng pitumpu’t dalawang sinag. Na, ang wala ng sinag na ito ay di pa napapaloob sa Banal na Kapatirang nabanggit.

4. Kinakatawan din itong KALK, LBL. NOS.1-32 ng Palihang Bakal na may nakapatong na maso at martilyo de bola. At nakasandal sa palihang ito ang halabas, sa halip na sipit na bakal, na siyang hinahawakan ng panday bago ibagsak ang malaking maso sa ibabaw ng huhubuging bakal, pagkapatong sa ibabaw ng palihan; pag bagang-baga na. Ang martilyo de bola naman ay pang-alis ng malalalim na lubak.

5. Ngunit, ang nakasandal sa palihang ito ay kawit o HALABAS: na, pangputol sa mga baging na mapanirang damo sa mga binhi sa gitna ng linang na dapat alisin upang ang tunay Mo pong mga salita, KGG. at KTT. DIYOS LOLO, ANGEL LORENZO; gaya ng mga aral, utos, tagubilin, ay tumubo at magbunga.

6. Kinakatawan din ang KALK, LBL. NOS.1-32 ng mga batas na may labing tatlong kautusan ng “Kataas-taasang Supremo Nasyonal” Diyos Lolo, ANGEL LORENZO, sa loob ng Iyo pong KAPATIRAN.

7. Kumakatawan din sa KALK, LBL. NOS.1-32, ang “TIMBANGAN” na hawak ng Mahal na Amang Pamfilo Villaflores; na ipinakilala ng Kgg. At Ktt. Diyos Lolo, Angel Lorenzo. Upang subukin Niya ang mga kapatid na may natutuhan na, sa pagtuturo ng Kgg. at Ktt. Diyos na Supremo Nacional ng KALK, LBL. NOS. 1-32.

Share on facebook
Share on twitter
Share on linkedin
Share on google
Share on pinterest
Share on reddit
Share on mix

Leave a Comment