“PAUNANG SALITA NG SUMULAT”
PANALANGIN
1. Dahil sa matiim naming pagnanais; na, ang Iyo pong mga aral, utos, alituntuning iniwan, ay aming masunod ng ayon po sa Iyong ibig; ay isinulat ko po ang mga pangyayaring nakaabot sa aming kaalaman, yaong tungkol po sa Iyo KGG. at KTT. Diyos namin Lolo, ANGEL LORENZO, upang maalaman po naman ng mga iba po naming mga kapatid na di nakaaalam ng mga ginawa Mo pong Diyos lang ang makagagawa.
2. Dahil; ito po’y isa sa Iyong mga utos, na magpaalaman kami sa isat-isa ng Iyo pong mga aral, mga sinalita at mga ginawa at mga tagubiling iniwan at mga alituntunin.
3. Sapagkat ito po ang pinakamahalaga sa lahat; na, IKAW po na iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat at Iyong mga ANAK ay makilala ng bawat isa sa amin na Iyong nilikha, upang malaman ang Iyo pong BANAL na Kalooban at mga aral na dapat sundin.
4. Idinadalangin po namin sa Iyo, na gabayan Mo po kami at tulungang maipa-abot sa aming mga kapatid ang Iyo pong “BAGONG UTOS”, na ayon po sa Iyong isinugo sa Pangulo, Mateo Lozano at Pangalawang Pangulo, Iladyo Masinsin na mga hinirang Mo po KGG. Lolo, Angel Lorenzo, na maging kasapi sa Lohiya, Luzon Blg.1, ng Iyo pong KALK, LBL. NOS. 1-32, Kap. Pilipinas na sundin ang bago Mo pong utos:
a. Itaguyod ang unang aral na ibinigay Mo po sa kanila.
b. Tipunin ang kanilang mga kapatid sa loob ng KALK, LBL. NOS. 1-32 na, Iyo pong itinatag Kgg. Diyos Lolo, ANGEL LORENZO ng ayon po sa Inyong mga itinuro.
c. Iwasan ang pagtatalu-talo ninyong magkakapatid.
d. At dagdagan ang pagtawag namin sa Iyo po na aming “AMANG KATAASTAASAN KGG. LOLO, ANGEL LORENZO” sapagkat napaka-igsi na ang panahon at wala pong makatutulong sa aming lahat kundi IKAW po lamang.
Sumasamba’t gumagalang,
Ireneo Paz Libao
Kasapi sa KALK, LBL. No. 1 ng Pangulo Mateo Lozano 1946-2010
PATALASTAS
“HINDI ITO IPINAGBIBILI, IPINAHIHINGI LAMANG ITO SA MGA KAPATID NA IPINATITIPON NG KATAASTAASAN DIYOS, LOLO, ANGEL LORENZO AT NG MAHAL NA AMANG PAMFILO VILLAFLORES.”
“HINDI PINAHIHINTULUTANG KOPYAHIN NG IBA.”
Sumulat:
Ireneo Paz Libao
Kasapi sa KALK, LBL, No.1, Pililla, Rizal, mula 1946 hanggang kasalukuyan, kay Pangulo Mateo Lozano
(1935-1976, buwan ng Mayo ika-16)