“ANG PAGHAHANDOG”
Una sa lahat ay inihahandog ko po sa Iyo ang aklat kong ito, Kagalang-galang at Kataas-taasang Diyos na Walang Pasimula at Walang Hanggan Lolo, Angel Lorenzo; “Supremo Nacional,” Kapuluang Pilipinas ng itinatag Mong Kapatirang “Ang Litaw na Katalinuhan, Lohiya Bukang Liwayway.” NOS. 1-32.
Na; ayon po sa Iyo, itong Kapatiran Mong itinatag; ayon po sa tunay na kahulugan nito, ay tumutukoy sa inyong Mag-aama; na, Ikaw po ang Supremo, sapagkat sila po’y Iyong mga Anak. Sila po’y galing at mula sa Iyong Kadiyusan, bago Mo po ginawa ang langit at lupa.
Sila po’y Iyong tinawag na aming “Diyos Ama, Diyos Ina, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo.”
Na; sila po’y pumaparis sa Iyong ginagawa at pinagkakatawang tao sa iba’t-ibang bansa sa lupa sa iba’t-ibang panahon na isinusugo Mo po sila upang tipunin at ibigay Nila ang buhay Nila sa Kanilang mga anak.
Na; ayon din po sa Iyo KGG. at KTT. Diyos namin Lolo, Angel Lorenzo, Sila po ang mga “Greatest Men and Women” sa lahat ng mga bansa sa ibabaw ng lupa at Kayo pong Mag-aama ang aming “Daong.”
Inihahandog ko rin po itong aking aklat sa mga kapatid naming pinatitipon Mo po Kgg. Lolo, Diyos Angel Lorenzo at Mahal naming Ama, sapul pa po noong bumalik Kayong Mag-ama taong 1975 at magkasunod po Ninyong isinugo si Gg.Gerardo De Luna sa hinirang Mo pong panguluhan Mateo Lozano at Iladyo Masinsin sa KALK, LBL, No.1, Pililla, Rizal.
Ang naghahandog,

Ireneo Paz Libao