Tinagalog: Pinaikling Bersiyon
1. THE IMPATIENT GENIUS
Sinimulan ang kwento sa pagbisita ng ina ng ating Amang Dr. Jose Rizal: Teodora Alonzo sa simbahan upang magdasal. Sa oras ng pagdadasal ay pinukaw ang atensyon ng Ina ng Amang Dr. Jose Rizal ng isang babae: “Ale ang anak mo po ay umiiyak.” Nagtaka si Aling Teodora sa narinig . Hindi niya pinansin ang babae at muling nagdasal, baka ito’y kanyang guni-guni lamang. Kaya’t sa pangalawang pagkakataon ay sinabihan siya ng babae. “Umiiyak po ang inyong anak,” kaya’t lubos siyang nagtaka at medyo nababagot na luminga linga.Sinundan ba siya ni Maria? Lumabas siya upang tignan ngunit wala ni isa man sa mga anak ang sumunod. Pumasok siyang muli sa simbahan at tinanong ang babae kung sino ang umiiyak. Ang sagot ay anak nga daw niya. Muli ito ay hindi na niya pinansin. Ngunit sa pangatlong pagkakataon ay sinabi ng babae na umiiyak ang kanyang anak at pati na rin siya ay narinig ang iyak hanggang sa ito ay lumakas ng lumakas. “Ito ay direkta nanggaling sa iyo Ale,” at nauwi sa kanyang maagang pag-uwi sa bahay nila. Ito ay sinundan na ng pagpapatawag ng doctor sa maagang panganganak. Ito ay misteryo ng unang pagpapahiwatig ng ating dakilang Kristo.
2. THE PROPHECY OF THE WORM (Ang Propesiya ng Uod)
Lumipas ang mga taon at ng isang kabataan na ang ating Amang Dr. Jose, natuto at nahilig Siya ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman. Araw araw Niya itong pinagmamasdan at binabantayan kasama ng mga bubuyog na palipad-lipad at lipat-lipat sa mga bulaklak ng mga halaman.
Dumating ang tag-ani at dala ng Amang Dr. Jose ang sisidlan upang mamitas ng mga talong. Siya ay lubos na nagagalak sa Kanyang mga nakikita at nakukuha.
Habang namimitas, nakita Niya ang malaking uod sa dahol ng kalabasa. Ito ay mukhang palakaibigan at kitang interesado sa ating Amang Dr. Jose Rizal. Payapa itong nagpapahinga sa dahon at nagsimulang magsalita at ito ay ikinagulat ng ating Amang Dr. Jose sapagkat ngayon lamang Siya nakakita ng nagsasalitang uod.
“Huwag Kang matakot at huwag Kang tumawag ng iba, making Ka. Nagpakita Ka ng pagmamahal sa Iyong bansang tinubuan sa pamamagitan ng pagbungkal ng lupa gamit ang Iyong mga kamay. Ikaw ngayon ay ginantimpalaan ng magagandang pananim at ikaw ay masaya. Ipagpapatuloy Mong mahalin ang Iyong bayan sa buong buhay Mo at ang Iyong kasiyahan ay pinakadakila sa Iyong kamatayan para sa kanyang kalayaan. Ito ang dahilan upang ikaw ang nag-iisang napili. Iyan ang Iyong pinakadakilang gantimpala dahil ito ay gagawin Kang walang kamatayan.”
Pagkatapos itong sabihin ay dumulas ang uod at nawala. Naramdaman ng Batang Dr. Jose ang pagbabago at ang Pilipinas ay sumasa-Kanya. Pinilit Niyang mag-aral mabuti at tuparin pa ng higit ang mga nabanggit ng uod.
Ito ay naganap: Namatay si Dr. Jose Rizal upang lumaya ang Pilipinas mula sa Espanya at Siya ay nagkaron ng buhay na walang hanggan sa isip at puso ng mamamayang Pilipino at sa piling ng Kanyang Amang Kataas-taasan.
3. THE HEALING LOOK
Nang Kabataan ng Amang Dr. Jose Rizal ay usap-usapan na ang malahimalang tingin Niyang nakapagpapagaling.
Mayroong isang magsasakang lalaking biglaan ang panghihina at pagkakasakit. Lahat ng kanyang trabaho ay kanyang napabayaan at kalaunan ay parang wala na siyang silbi kaya’t lubos itong ikinabahala ng kanyang buong pamilya kaya’t nag-isip silang magkaroon ng isang malaking pagsasalo-salo kung saan ay may mga bata at matatandang pilit pinapasaya ang lalaki. Ngunit ni isa man sa kanila ay walang nakapagpasaya sa lalaki. Kaya’t natapos ang araw na walang pagbabago. Naiwan uling nag-iisa ang lalaki at nakatanaw mula sa bintana ng kanilang bahay. Habang tinitignan ang mga puno ay nakita niya ang batang Rizal na nakatanaw sa puno ng kasoy.
“Sige pumitas ka ng prutas, iyan ay regalo ko sayo,” aniya. Nagulat ang batang Rizal at tinignan ang nagsalita. Ang magsasaka ay nakaramdam ng kaginhawahan at muling pagbabalik ng kanyang lakas.
“Maraming salamat po! Sobrang bait niyo po,” ani Rizal. Ang inosenteng tinig na iyon ni Rizal ay nagpabalik at nagpagaling sa kanya mula sa kanyang panghihina at sa pagpapaalam ng batang si Rizal ay dagling nagbalik ang kanyang kalakasan.
Tunay na ang Amang Dr. Jose Rizal ay sa tingin pa lang ay nakagagaling na.
4. THE MAGIC FINGER
Sa isang kasiyahan: Marami ang nang bu-bully sa batang Rizal at iniiwasan na Niyang makihalubilo dahil sa mga atensyon napupunta sa Kanya.
Isang beses ay may nangbu-bully sa Kanya. Ang Kanyang ginawa ay umakyat sa taas ng bahay malapit sa dausan ng kasiyahan at mula sa itaas ay inutusan Niya ang mga tagak sa himpapawid pababa sa mga bully at nangagsisindak ang mga bully at nangatumba. Bumaba ang Batang Rizal upang tulungan ang bully na makatayo at Siya’y umalis.
5. THE CHARMED ENCHANTRESS
Sa paa ng bundok ng Banahaw ay may naninirahang diwata. Siya ay mabait sa mabubuting tao ngunit kabaligtaran sa mga masasama. Siya ang tagabantay o may-ari ng isang batis at nagbigay ng Batas na ang sinumang bumisita ay kinakailangang maligo sa batis na iyon, kung hindi ay siguradong hindi na makakauwi.
Nang marinig it ng Amang Dr. Jose Rizal ay nagiliw Siyang pumunta ngunit ayaw Siyang samahan ng Kanyang mga kasamahan dahil sa takot na madamay sa batas ng diwata. “Ito ay lubos kong ikinalungkot, dahil wala kayong pananalig sa akng pamumuno. Kailan ko ba kayo binigo? Tumungo ang Amang Dr. Jose Rizal sa kuweba at may munting sumama sa kanya.
“Makatarungang babae ng batis, ako ay nakatayo sa harapan ng iyong pinto at nais kitang kausapin.” Nakatatlong ulit ang Amang Rizal at sa ikatlo ay biglang lumakas ang kulog at kidlat. Bumukas ang batong pintuan at lumabas ang diwata.
“Anong pwersa ng kalikasan ang nagdala sa Iyo dito mortal?” Sa mababa ngunit matigas na tinig. Ang matapang nating Amang Dr. Jose Rizal ay diretsong tumingin sa diwata at biglang tumungo.
“Binibini, nais kitang kausapin at tignan ang iyong yungib.” Tinanguhan Siya ng diwata papasok sa kweba at biglang sumara. Pagkatapos ng maikling paghihintay ay lumabas ang dalawa at nakangiti.
Pagkatapos ng pangyayaring ito ay inalis na ng diwata ang kanyang batas at hindi na muling ginambala ang mga tao sa pagbisita sa nasabing batis.
6. THE KING IN MERMAID LAND
Ang Amang Dr. Jose Rizal ay magaling na manlalangoy. Sila ay laging naliligo kasama ang Kanyang kapatid Trining at kapatid Paciano. Sila ay pumunta sa Taal Lake.
Habang nakikipagpaligsahan sa Kanyang kapatid Paciano ng paglalangoy ay napalayo Siya dito at napunta sa may kalayuan. Siya ay naligaw at napadpad sa isang kuweba at habang naglalakad sa kuwebang puno ng ginto ay natunton Niya ang dulo at nakita Niya ang trono ng isang reynang sirena at sa gilid ay kanyang mga kasamang sirena na siyang umaasiste sa kanya.
Nang nakita ng Amang Dr. Jose Rizal ang reyna ay nagkatinginan sila at nahulog ang loob ng ating Amang Dr. Jose Rizal at inutusan ang mga ibang sirena na magdala ng trono at bihisan ang ating Amang Dr. Jose. Hinalikan niya ang Amang Jose at sinabing Hari sa kaharian ng sirena.
Hindi rin nagtagal ang mahika ng sirena ng isang oras at bumalik sa isipan ng ating Amang Jose Rizal ang Kanyang kapatid Paciano at Trining. Agad Siyang nagsabi na magbabanyo at pasimpleng umalis. Binilisan Niya ang paglangoy at narrating ang pampang.
Nakita Niya ang mga sirena sa kalayuan at Siya’y pinabalik. Sumenyas Siya ng paalam at nakaalis na ang kanyang mga kapatid. Nakisakay na lang Siya sa mga dumadaan upang makauwi sa kanila.
7. THE LOCKET (Ang Kwintas na may Takip)
Isang madaling araw ng Biyernes Santo ay nagtungo ang kabataang Rizal sa kakahuyan upang hanapin ang tirahan ng isang matandang babae. Hanggang makarating Siya sa malalim na kakahuyan. Nabigo Siyang hanapin ito at nais na lamang bumalik sa kanilang tahanan ng may narinig SIyang panaghoy ng mga ibon, ngunit halos buong lugar ay naririnig na Niya ito. Kaya’t kaiikot ay nadapa Siya at pinilit tumayo at pagtayo ay tumambad sa Kaniya ang isang malaking ibon na kasing laki ng isang agila. Ang balahibo nito ay itim at matatalas ang kuko at tuka.
Natakot Siya at nagmadaling magtago sa mga pagitan ng puno at papunta sa pintong mayroong underground. Nakasulat sa pinto na ito ang tirahan ng matandang babae.
Nais Niya itong buksan ngunit natakot Siya subalit naalala Niyang ito ang Kanyang sadya. Kaya’t kinatok Niya ito ngunit sarado. Kaya’t tinulak Niya ito ngunit talagang ito’y nakasarado. Napansin Niyang muli ang sulat at kinapitan at ito’y biglang nagbukas.
Sa loob ay ang nakakatakot na palagid at nais Niyang tumakbo ngunit pinigil Siya ng matandang babae at sinabi: “Anong nagdala sa Iyo rito?” Ngunit di sumagot ang batang Rizal. “Marami ang sumubok pumunta sa akin ngunit maliban sa Iyo, lahat ay umalis matapos marinig ang aking tinig.” “Dahil Ikaw lang ang may lakas ng loob, Ikaw ay dapat gantimpalaan.” Tinanggal ng babae ang kwintas na may takop. “Ibinibigay ko sa Iyo ang kwintas. Suotin mo ito at magiging pananggalang mo sa anumang mortal na pinsala. Ang tanging hiling ko kapag ito ay napunta sa ibang kamay, ay ulitin mo ng malakas ang nakasulat ditto at ito’y mawawala at babalik sa akin.” Maaari ka ng umalis at ligtas sa anomang panganib.”
Ito ay nagamit pa Niya sa ibang bansa at pag-aaral ngunit nawala ng Siya ay ginigipit ng mga Kastila sa huling mga taon ng Kanyang buhay.
8. RIZAL’S MAGIC CIGARETTE
Nagugulat ang mga kamag-aral ng batang Rizal dahil hindi nila ito nakikitang masipag mag-aral ngunit Siya pa rin ang pinakamataas sa kanilang klase.
Napagkasunduan ng Kanyang mga kasama sa dormitoryo na matiyagan Siya kinagabihan. Nagkunwa’y tulog sila at hinintay ang pagdating ng binatang si Rizal. Ito ay nagdala ng mga libro at magsarado ng pintuan at ilaw ay sinilip nila ito at nagulat sa nakita. Nagsindi ng sigarilyo ang binate at ito ay malakas na ilaw na siyang tumatanglaw sa Kanyang paghahanda sa susunod na pagsusulit.
Sa umaga ay hindi nila nakikita ang Amang Dr. Jose Rizal na nagsisigarilyo ng kasing liwanag na gabing sigarilyo.
9. THE MIRACLE RUNNER
Ang Amang Dr. Jose Rizal ay mahilig mag-ehersisyo at maglakad-lakad. Dumating ang Kanyang bayaw Quintero at binati Siya. Niyaya Niya ito sa isang duwelo ng paunahan makapunta sa tuktok ng burol habang ito ay nakasakay sa kabayo. At ang matatalo ay manlilibre ng hapunan. Pinilit at pumayag si Quintero ngunit may agam agam siyang may tinatagong sikreto si Jose sapagkat Siya ay nasa kabayo at si Jose ay patakbo.
Habang nagkakarerahan, nagugulat si Quintero na hindi lumalayo sa tatlong metro ang layo ni Jose sa kanya kahit bilisan niya ang pagtakbo sa kabayo. Nang malapit na ay napatingin siya sa taas ng burol at tumawag sa kanya si Jose.
Habang naghahapunan ay tinanong niya si Jose kung paano ito ginawa. Ngunit sabi lang ng Amang Dr. Jose na galingan na lang niya sa susunod.
10. THE MIRACLE LUNCH
Tag-araw at ang mga kabataang kasama ang binatang Jose ay nagpunta sa Pansol Laguna upang mag-picnic at lumangoy. Habang sila’y masayang lumalango’y umalis ang batang si Rizal upang maghanda ng kanilang makakain. Pagkatapos maghanda ay tinawag Niya ang mga kasama upang magsimulang mananghalian. Ngunit natakot sila nab aka kulangin ang pagkain dahil ito’y dalawang maliit na manok lamang at isang ganta ng sinaing sa dami nila. Ngunit tinuran ng batang si Rizal na kumain sila ng marami.
Ang iba ay nagtaka at hindi naniwala ngunit sinimulan na lang nilang kumain.
Napakasarap ng pagkain at binate nila ang batang Rizal sa galing ng pagluluto. Natapos nila ang pagkain at nagulat sapagkat marami pang manok ang tumambad sa kanila at pati na ang sinaing hanggang sa sila lahat ay mabusog at kataka-taka na ang dalawang maliit na manok at isang ganta ng sinaing ay nadagdagan ng nadagdagan hanggang sa sila lahat ay makakain at mabusog.
Hanggang ang isa sa kanila ay bumulong at sinabing meron talagang pambihirang kapangyarihan ang batang Rizal base sa mga ibang narinig at nakita nuon sa Kanya.
11. THE DISAPPEARING MOUNTAIN
Pagkatapos ng kanilang piknik ay nagsimula na silang umuwi at kita ang langit na papagabi na. habang nasa daan ay nauuna ang batang Rizal sa Kanyang mga kasama. Dahil dito ay biglang nagkaroon ng isang bundok sa pagitan ng kanilang Lider. Dahil dito ay nangatakot ang lahat dahil pagabi na at isa sa kanila ay naalala ang himalang ginawa ng Amang Dr. Jose sa kanilang pagkain at ito’y kanyang sinabi sa mga kasama at sabay-sabay silang sumigaw sa batang Rizal na sila’y kasamahin sa kabilang likod ng bundok. Matapos marinig ng batang Rizal ang mga iyon ay muling bumaba ang bundok at kasama nilang muli ang Amang Dr. Jose Rizal
Bago sila maghiwa-hiwalay ay sinabihan sila ng batang Rizal na: “Kailangan nating lumakad ng sama-sama. Hindi maaari ang may ibang grupo, kailangan ay pantay-pantay. Ang bansang ito ay kailangang mabuo ng sama-sama.
12. RIZAL’S COOK STICK
Ang kwentong ito ay patungkol pa rin sa kabataang Rizal ng sila ay magpicnic sa Pansol at habang nagluluto ang mga kadalagahan at matatandang kasama nito ay napakatagal lumambot ng mga manok sa nilulutuan. Kaya’t nagkaroon ng tuksuhan na ang mga babae ay hindi marunong magluto. Maya-maya pa ay lumapit ang batang Rizal at sinawsaw ang mahabang patpat sa loob ng nilulutuan, walang anu-ano’y lumambot at tinawag Niya ang lahat upang magsimulang kumain. Nangagsitaka man ang lahat ay masaya na rin silang kumain.
13. RIZAL AND THE FISHERMAN
Silang magkakasama ay muling gumala at ang tungo ay sa Laguna Lake. Ngunit napansin ng batang Rizal ang tahimik na lugar. Iyon pala’y dahil sa tumal ng mga nahuhuling isda at napapag-alaman Niyang naghihirap ang mga tao dahil dito. Kaya’t sa kalagitnaan ng pag-uusap ay umalis ang batang Rizal at hinanap Siya ng buong grupo at ng mga kabaryo. Maya-maya ay dumating ang batang Rizal kasama ang isang matanda at ito’y tumingin sa langit at sinundan ng tingin ang dagat. Sinabihan si Rizal na magsimulang manghuli ang mga tao at laking gulat nila ng mapuno ang mga lambat nila.
Biglang nawala ang matanda na si Rizal lang ang nakakaalam.
14. THE UNBREAKABLE EGG
Isang umaga ay nagluluto si Tiya Concha ng pagkain para sa mga padating na bisita at ang batang Rizal ay matiyagang nanunuod at natutukan sa cake na ginawa ng Tiya Concha. Aniya: “Kunin mo ang anim na itlog sa aparador at bibigyan kita ng cake.” “Gusto niyo po ba Tiya na gawin koi tong matigas na hindi nababasag?” Nagtaka si Tiya Concha at muling sinabing pagnagawa mo iyan ay ibibigay ko sa Iyo lahat ng cake at gagawa ng bago. Kinuha ng batang Rizal ang Kanyang panyo at inilagay sa loob ang anim na itlog. Pagkatapos ay sinabihan si Tiya Concha na diinan ito at ilaglag sa sementadong sahig. Ngunit ni hindi man lang nagalusan o nabasag ang mga itlog. Kaya’t binigay niya ang cake sa huli at ipinagmamalaki ang pamangkin.
15. RIZAL AND THE FIRE
Habang nagkakaroon ng kasiyahan sa Plaza ay may sumigaw ng: “Sunog, sunog, sunog!” Agad pumaroon lahat at wala isa man ang nagtangkang pasukin ang bahay dahil meron pang matanda at batang naiwan sa loob na nanghihingi ng tulong. Maya maya ay may isang batang agad pumasok at pinuntahan ang ikalawang palapag at inilagay ang matandang lalaki sa Kanyang balikat habang akay-akay ang bata sa kamay. Sabay talon mula sa bahay at ito’y ikinagulat ng lahat ng tumambad ang batang si Rizal. Habang tinatanong kung paano Niya nailigtas ang mga huling biktima. Aniya: “Ang akin lang nailigtas ay ang pinakamatanda sa pamilya at bata at ako’y iniligtas din nila.
16. A BOY AND HIS KITE
May isang batang mahilig magsaranggola ngunit habang lumalakas ang ihip ng hangin ay napadpad ito sa tore ng simbahan. Kung hihilahin ay mabubutas ang saranggolang papel. Natatakot naman siyang umakyat at baka mahulog siya. Kaya’t umiyak na lamang ang bata at ito’y nilapitan ng isang lalaki at pinilit siyang tulungan. Aniya: “May mas importante pang dapat gawin ngunit ito ba’y napakahalaga sa iyo?” “Opo dahil nagtatanim po ako ng mga halaman para lang mabili ang saranggola.” “Tignan ko kung ano ang maitutulong ko.” Mahigpit talaga itong nakatingin sa tuktok ng simbahan. Kaya’t hinawakan ng lalaki ang tali at nagduyan papunta sa taas ng simbahan at dahan-dahan itong kinuha. Nagpasalamat siya sa lalaki at nawala. Nang nagkaedad na ang bata ay napag-alaman niyang si Dr. Jose Rizal pala iyon at sumali pa siya sa mga grupo upang ipagtanggol ang Bayani sa mga babaril sa Kanya ngunit marami talaga ang mga kastila. “Ang buhay ko ay para sa Kanya, na ang buhay ay para sa Pilipinas.”
17. THE ENCHANTED BATYA
Ang mga kabataan ay inanyayahan ang kabataang Rizal na magpicnic sa Mt. Makiling at sila’y magpapaunahan sa pagpunta sa tuktok nito. Ngunit maraming ginagawa ang batang si Rizal kaya’t sinabi Niyang mauna na sila at susunod na lang Siya at sinabi pa Niyang tahakin nila ang maiksing daan. Habang nagkakarerahan ay nagulat silang lahat ng makitang ang batang si Rizal ay nauna at nagtayo ng putting watawat gayong huli itong nagpunta dahil sa dami ng ginagawa. Matapos nito ay nagsimula na silang kumain at ng palitan ng mga palaisipan. Lahat ng itanong sa kabataang Rizal ay Kanyang nasasagot. At tinanong Niya sila ano ang inyong gusto, “Kalayaan o Kahirapan” ito ay mula sa mapang-aping Kastila.
“Kalayaan, nais kong maging malaya kasama niyo at nais kong ang bansa natin ay maging malaya magpakailanman.” Agad ding sinabi ng batang Rizal.
Matapos ang maghapon ay umuwi na sila at muling pinauna ng batang Rizal sila at habang nasa daan ay nakita nila ang lumulutang na batya at sumilip ang batang Rizal at kinawayan sila. Ito pala ang dahilan kung bakit napakabilis ng batang Rizal at nanalo pa sa paligsahan. Naituran nilang talagang may nakatagong kapangyarihan ang batang si Rizal at maaaring ito ay sinambit sa batya upang ito ay mapalipad.
18. RIZAL IN TWO PLACES
May mga usap usapan na ang Amang Dr. Jose Rizal ay nagkakaroon ng isa pang katawan sa dalawang lugar. Gaya ng Siya ay nasa Europa at bigla na lang itong magpapakita at luluhod sa ina. Isang beses ng Kanyang pag-uwi ay nakita ito ng mga tao.
Siya ay nakikipag-usap sa Kanyang Ina na pupunta Siya sa Europa. Ngunit matigas Siyang pinigilan ng Inang Teodora at napahaba ang usapan na pinipilit Siyang huwag ng umalis ng Pilipinas. Nang biglang maalala ng Inang Teodora na siya ay may niluluto at iniwan ang anak sa kanyang silid. Nang malapit na ang Inang Teodora ay nakita Niya na ang huli ay nasa kusina at tinitikman ang sabaw ng kanyang luto gayong kaiiwan lamang niya dito sa kanyang silid.
Muli siyang bumalik sa kanyang silid at tahimik na sumilip at nakita ang anak na Jose sa kanyang silid na nagbabasa ng diyaryo at tahimik na nakaupo.
Hindi siya nakapagsalita at naalala na lang niya na ang anak ay talagang usap-usapan na sa ganito nga ang kakayahan ng huli. Nagdasal na lang siya at nagpasalamat sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
19. RIZAL AND THE MERMAID
Usap-usapan ang sirena na nakita sa ilalim ng Laguna Lake na malapit sa Isla Cielito Lindo sa may yungib dito.
Ang sirena tuwing hating-gabi at kabilugan ng buwan ay umuupo sa malapad na bato at sisimulang kumanta upang makakuha o mangbiktima ng mga gwapong kabataan na ikukulong niya sa loob ng kweba.
Isang araw ay nawala ang anak ng Alcalde at hinanap nila ito kung saan saan ngunit walang bakas ng binata kahit saan. Ito ay nasabing dahilan ng sirena.
Nakabalik na ang binatang si Jose mula sa pagbabakasyon sa Maynila at nalaman ang mga pangyayaring ito at nakipag-ugnayan sa Alcalde na kakausapin nila ang sirena.
Lumipas ang gabi at inantay ng Amang Dr. Jose, Alcalde at dalawang kasama nito ang sirena. Maya maya pa nga’y unti unti itong umahon at nagsimulang kumanta. Dahan dahang lumapit si Rizal at biglang itinali ang sirena ng Kanyang lubid. Nabigla at natakot ang sirena at agad nawala ang hipnotismo nito sa Alcalde at kasama gamit ang boses.
Sinabi ng binatang Rizal na pakawalan ang anak ng Alcalde at huwag ng manggambala. Ang sabi ng sirena ay pakawalan siya at isasauli ang binate sa kanila ngunit hindi pumayag ang binatang Rizal at nasab ng sirena na nakahanap ito ng katapat.
Biglang tumalon ang sirena sa tubig habang nakatali at maya maya ay mabigay na ang tali na halatang may papaahon mula sa dagat at biglang lumitaw ang binate ngunit wala itong kilala isa man sa kanila. Kaya’t inihilamos ng binatang Rizal ang kamay sa mukha ng binata. Biglang bumalik ang ulirat ng binata at masayang nagyakap ang mag-ama.
Nagdaos ng isang pasasalamat handaan ang Alcalde at lahat ay imbitado. Maya maya ay umawit muli ang sirena at unti-unting nawala ang tinig at iyon na ang huli nilang narinig ang magandang tinig ng sirena. Salamat sa Amang Dr. Jose Rizal.
20. THE DRY MAN
Tag-ulan noon. Ang mga tao sa baryo ay dinaos ang araw ng kamatayan ng kanilang kapitan. Ang iba ay nakasuot ng kapote at ang iba ay gamit na payong. Maya-maya ay lumapit ang isang lalaking nakaputi mula ulo hanggang paa. Napansin ng mga tao na ito ay hindi nababasa kahit na wala itong payong o ano mang pananggalang sa ulan.
Umalis na ang lalaki at napansin ito ni Mang Anton na isang magsasaka. Nakilala niya itong ang Amang Dr. Jose Rizal nais batiin ngunit malayo na ito. Kaya’t bumalik na lang siya at sinabi sa mga tao na Iyon ay ang Amang Rizal at may proteksyon Siya sa ulan. Ang kapitan ay kamag-anak ng Amang Rizal kaya Siya ay pumunta rin at nakidasal kasama ng mga magsasaka.
21. THE ENCHANTED CAT
Nais pang magkaanak ni Mang Osong at Aling Lucia, liban kay Lucresia upang pagtanda nito ay may kasama ang huli kung sakaling sila’y lilisan na. Kaya’t sumangguni sila sa dalubhasang doctor: Amang Rizal kung sila ay may magkakaanak pa. Ngunit sinabihan sila ng Amang Rizal na hindi na masusundan si Lucresia. Nalungkot ang mag-asawa at dahil dito ay binigyan sila ng Amang Jose ng isang pusa pauwi sa kanilang sakahan.
Pagkalipas ng isang taon, nasawi si Mang Osong sa tuklaw ng isang rattle snake at makalipas ang isa pang taon ay nagkaroon ng malubhang sakit si Aling Lucia, natulog ito at hindi na nagising pa.
Ngunit ng si Lucresia ay maulila na ay biglang lumaki ang pusa at alam na alam nito ang gagawin. Lagi nitong binabantayan si Lucresia kahit saan pumunta. Nais pa ng mga kapitbahay na magkaroon ng lahi ang kanilang alagang pusa sa pusa ni Lucresia ngunit ito’y kataka-takang nakamasid at nagbabantay lamang kay Lucresia.
Sinabi ni Lucresia sa kanyang kapitbahay na ang pusa ay bigay ng Amang Rizal at binulungan na alagaan siya at bilang sagot ng pusa ay kindat. Nang nawala si Dr. Jose sa Dapitan ay nawala na din si Lucresia at ang pusa at hindi sila alam kung nasaan na ito.
22. THE SPELL ON CENSO’S EYES
Si Censo ay tauhan ng Amang Dr. Jose Rizal sa Dapitan. Panahon noon ng kapistahan ng Dipolog. Nais nito na kahit magsimba lamang sa Dipolog ngunit may mga bagay pa itong tatapusin o gagawin. Kaya’t ng maging ang Amang Rizal ay nagpaalam siya, pinalapit siya ng Amang Jose at inilagay ang hintuturo ng kanang kamay sa nuo ni Censo at sinabihan siya ng Amang Rizal na dapat ay sandali na lamang siya sapagkat gagabihin na siya ng uwi. Tinapos niyang lahat ang kanyang trabaho at naglinis na, paglabas ng bahay ay hindi niya napansin na kalalabas pa lamang niya, bagkus bumungad sa kanya ang simbahan ng Dipolog at lumuhod at nagsimulang makihalubilo. Nang matapos ang misa ng pari ay tumayo na siya upang umuwi ngunit nagtaka siya sapagkat marami ng taong nakapaligid sa kanya. Tinanong siya at sagot niya’y: “Uuwi na siya pabalik ng Dapitan.” “Ngunit ika’y na sa Dapitan ngayon. Hindi ka naman umalis dito mula kaninang umaga at mataman ka naming pinapanood, narito ka lamang mula kanina. Hindi mob a kami nakikita?” “Hindi, hindi ko kayo nakikita, ang nakikita ko lamang ay mga taga Dipolog na kasama kong nagsisimba.” Siya pala ay nasa puno lamang ng Acasia sa labasan ng kanilang bahay. Nagtaka siya pati na ang mga tao. Nagsalita si Mang Ingo at Mang Lino na ito ay kakayahan ng Amang Rizal. Si Censo ay nagtataka pa rin habang patungo sa kabilang kalsada sa kanilang bahay.
23. THE GIFT OF LIFE
Malapit na ang pasko noon sa Dipolog ngunit si Mang Cario ay nakahanda ng ibitin sa gabi ng pasko. Sa kadahilanang napatay niya ang pusa ng isang kastila na nakatira di kalayuan sa kanila.
Nangyari ito ng sundan niya ng tingin at abangan ang salbaheng pusa, hindi niya ito maisumbong na itali sapagkat pinapagalitan siya ng kastila at sinasabihang “Indiyo”. Kaya’t ng malapit na ang pusa sa sisiw ng manok, ay bigla niyang binitiwan ang pana na kapit niya. Sa kasamaang palad ay nakita siya ng tauhan ng kastila at isinumbong kaya’t ngayo’y nakakulong siya.
Nalulungkot ang kabiyak niyang si Aling Consing dahil sa pangyayaring ito. Kaya’t naglakad lakad siya sa Dapitan at nakatulala at minsan ay biglang iiyak. Nakita ito ng Amang Rizal at nagsabi siya sa mabait na doctor. Ngunit wala Siyang magawa sa sakit na nararamdaman ng una sapagkat Siya’y bihag din ng kastila.
“Babalik ang iyong asawa, umuwi ka at hintayin siya at pagnakabalik na siya ay dalin mo ang lahat ng inyong pamilya at lumisan.” Umuwi si Aling Consing. Ang Amang Rizal ay nanggamot at nadaanan Niya ang kulungan ni Mang Cario at itinutok ang baston sa dalawang guwardiya at ang mga ito’y nakatulog. Itinutok ang baston sa pinto ng kulungan at bumukas. Tinignan Niya si Mang Cario at napaltan ang damit at siya’y nakaalis ng walang nakakaalam.
Nakauwi siya at sila’y lumisan at nagkwentuhan tungkol sa Amang Rizal: “May kapangyarihan ang Doktor Jose, iniligtas Niya tayo at ililigtas ang ating bansa baling araw.” at sila’y nagdasal.
24. THE MIRACLE LECHON
Mula sa Europa ay hindi maganda ang lagay ng Pilipinas dahil sa mga mapang-aping kastila. Pero nakatanggap pa rin Siya ng isang imbitasyon upang magpicnic sa Los Baños.
Tahimik ang lugar at ang naririnig lamang ay mga taong pumunta at mga awitan. Nagpaalam ang Amang Rizal at nawala. Maya-maya ay nagulat ang mga tao at nangagsiakyat lahat sa matataas na puno dahil nakita nilang papalapit ang mabangis na baboy! Ngunit ito ay sumusunod lamang sa likod ng Amang Rizal. Sinabi Niya na ito ang kontribusyon Niya sa picnic at nagsimulang lutuin. Habang buhay pa ang baboy ay nagulat sila ng ito ay hindi pumapalag habang kinakatay at ng tatanggalan na ng bituka ang baboy ay tinuro lamang ito ng Amang Rizal ng kanyang hintuturo at humiwalay na agad ito sa baboy. Nagsimula na silang kumain, meron mang natakot at gusting magtanong ay nanahimik na lang sila at naging masaya na lamang sila sa kanilang pinagsasaluhang pagkain.
25. DR. RIZAL AND THE POSTS
Nagpunta ang Amang Rizal at ina Niya sa kabilang dako ng Calamba upang bisitahin ang mga kamag-anak na may sakit. Naiwan ang pamangkin Niya at ang tauhang si Isidro. Inutusan ni Isidro ang bata na manguha ng atis at pagkatapos ay nagtungo siya sa silid ng Amang Rizal at naghalungkat ng mga gamit doon. Pagkatapos nakakuha ng barya sa bulsa ng Amang Rizal ay inilagay sa kanyang bulsa at inayos ang mga nagulong gamit.
Nang makarating ang Amang Rizal at Inang Teodora ay lumapit ang Amang Rizal sa poste ng bahay at nagsulat sa maliit na papel at idiniin dito ang papel at muling inulit sa pangalawa, pangatlo at pang-apat na poste. Ngunit hindi maintindihan ni Isidro ang nakasulat at maya-maya ay lumapit ang Amang Rizal sa kanya at kinukuha ang apat na pisong kinuha sa bulsa Niya, sa pagkabigla ay ibinalik niya ito at humingi ng patawag. Simula noon ay ikinukwento na niya ito sa mga kakilala niya pati na ang dahilan ng paggalit ng Amang Rizal sa kanyang kasalanan.
26. THE ULANG (PRAWN)
Isang dalagita ang dumalaw sa Amang Rizal upang nagbigay ng ulang bilang pasasalamat sa paggamot sa kanyang ina. Ngunit ito’y tinanggihan ng Amang Rizal sapagkat sila’y mas kailangan ito. Ngunit bigla nagbago ang isip ng Doktor at kinuha ito at pumasok sa silid. Lumipas ang may labing isang minute ay lumabas ito dala ang luto ng ulang at sinabi: “Ipakain mo ito sa iyong inang nagpapagaling.” Ang pagkain ay masarap at ngayon lamang nila natikman. Luluhod sana ang dalagita ngunit pinigil siya ng Amang Rizal at sinabing sa Diyos lang nararapat lumuhod.
Pag-uwi ng dalaga ay pinagdasal nila ang Amang Rizal sa Kataastaasang Diyos na manlilikha.
27. DR. RIZAL AND THE MONKEYS
Ang Amang Rizal ay nag-aalaga ng mga prutas at halaman ng Siya ay ipadala sa Dapitan. Marami ang tumutulong sa Kanya upang matutunan din ang tamang paghahalaman. Ngunit ang pinakamalaki nilang problema ay ang mga unggoy na siyang umuubos ng mga prutas. Kaya’t ng gabi ring iyon ay pumunta ang Amang Rizal sa isang taguan kasama ang ibang mga tauhan ng halamanan dala ang baril-de-hangin. Inabangan nila ang mga unggoy at binaril ang mga ito. Tinamaan ang tatlo at nangagsitakbo palayo mula sa puno ng papaya at ang tatlo ay dinala sa klinika upang gamutin.
Habang ginagamot ang mga ito ay sinabihan Niya ito ng “Huwag kayong magnakaw sa halamanan ko, sapagkat hindi ito ang tamang gawain.” Nang matapos ay pinakawalan ang tatlo at ng marating ng mga unggoy ang kanilang lugar ay sinabihan din ang ibang mga unggoy. Pagkatapos nito ay hindi na ginambala ng mga unggoy ang halamanan bagkus ay inalagaan at binantayan sa mga mababangis na hayop at baboy.
28. THE NOTEBOOK OF DR. RIZAL
Ang amang Rizal ay tinatanggap ang mga mahihirap at mayayamang pasyente ng Siya ay nasa Dapitan. Ang reputasyon Niya bilang Doktor ay kumalat at marami ang sa Kanya ay nagpapagamot. Kasabay nito ay inanyayahan Niya ang mga mahihirap sa ginawa Niyang maliit na paaralan. Nag-iisa lamang SIya sapagkat wala Siyang kasamang mga doktor.
Isang pagkakataon ay kinailangan Niyang umalis upang puntahan ang isang pasyente na hindi na kayang tumayo sa sobrang karamdaman. Sinabihan Niya ang Kanyang katulong na bantayan muna ang klinika ngunit nagprotesta ito sapagkat hindi niya alam ang lenggwahe ng mga darating at lalong lalo na ay hindi niya alam ang gagawin!
“Huwag kang mag-alala, ipapaalam ko sa iyo ang lahat.” At knuha ng Amang Rizal ang kwaderno at nagsulat na may kasamang ngiti. “Kapag may dumating ay konsultahin mo ang kwadernong it.” Pagka-alis ng Amang Rizal ay may dumating at binuksan niya ang kwaderno ngunit hindi rin niya maintindihan ang nakasulat kaya’t tinanong niya ito kung ano ang dapat gawin. Dahan-dahang gumalaw ang mga sulat at naging litrato ng Amang Rizal at sinabihan siya kung ano ang gagawin.
“Ang Amang Rizal ay mahiwagang tao,” ito ay sinabi niya sa lahat ng kanyang kakilala pati na ang mga pasyenteng nakasaksi ng mga hiwaga.
29. THE HANDS OF DR. RIZAL
Malapit ng ikasal ang magkasintahang Bartolome at Filomena, ngunit nagkasakit si Filomena at wala isa mang doktor sa Calamba ang makagamot sa kanya. Mapalad na kaibigan ni Bartolome ang Amang Dr. Jose Rizal at kauuwi lamang galing Europa. Nagkausap sila at naikwento ang pangyayari. Pinuntahan nila ang may sakit ngunit marami ang tao at si Filomena ay paunti-unti ng nawawalan ng buhay. Tinitigan ito ng Amang Rizal at kinapitan sa kamay. Nagtagal ito ng 30 minutos at saka binitawan at pagkatapos ay muling tinitigan. Maya maya pa’y bumangon na si Filomena at unti-unting bumalik ang kanyang buhay at sigla. Binati ng mga tao ang Amang Rizal at knamayan at sila’y naniwala na ang Amang Rizal ay mahiwaga.
30. THE MAGIC SPOON OF DR. RIZAL
Gamit ang mahiwagang kutsara ay palagiang naliligtas ang Amang Rizal sa mga panglason sa Kanya na inihanda ng mga Kastila. Ito ay palagian na rin Niyang ginagamit sa lahat ng okasyon.
Ang kwento ng pagkakuha Niya rito ay nagmula sa grupo ng mga mababangis na kambing. Ito ay ginagamit nila para mapalinis ang tubig sa sapa na kanilang iniinuman. Ito ay ang sungay ng pinunong kambing. Ngunit napatay sila ng kalaban at nakita ito ng magbubundok at kinuha ang sungay. Ginamit niya ito ngunit nasaktan ang magbubundok ng hindi sinasadya at siya ay ginamot ng Amang Rizal. Bilang gantimpala ay ibinigay sa Kanya ang sungay at ginawa Niya itong kutsara na nakahanda sa Kanyang bulsa sa ano mang pagkaing kakainin.
31. THE MAGIC SPOON ANG THE DEATH TRAP
Nagbukas ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo sa isipan ng mga Pilipino na inilathala ng Amang Rizal. Dahil ditto ay inimbitahan Siya sa isang salu-salo at ang pagkain ay may kasamang lason. Gaya sa nakaraang kwento ay ginamit ng Amang Rizal ang kutsara at bumula ang pagkain. Tinignan Niya ang mga kastila at sinabi: “Pumunta ako dito ng hindi masama ang hangarin subalit nilagyan niyo ng lason ang aking pagkain para patayin ako. Ngunit hindi ko kayo bibiguin, hali kayo at tayo’y kumain.” Ngunit walang anumang masamang nangyari sa Amang Rizal at nag-alisan silang parang magkakaibigan gaya ng Kanyang nais.
32. DR. RIZAL AND THE BOASTFUL MAN
Si senyor Tinio ay isang mayabang na tagapagsalita sapagkat napuntahan na niya halos lahat ng bansa at mataas na pag-aaral sa bawat bansa.
Isang beses sa plaza ay nagkatipon at pinakikinggan si senyor Tinio ay may pulubing lumapit. Nanghihingi ito ng konting tulong ngunit sinabihan niya ito ng “Fuera!” o “Alis diyan!” Habang paalis ang pulubi ay nakamasid ang isang lalaki at lumapit at binigyan ng pera at lumapit kay senyor Tinio. “Mawalang galang na, ngunit ang iyong edukasyon at narrating ay kasinungalingan sapagkat iba ang pinapakitungo mo sa pulubi; Ngayon ikaw ay nakatayo at natigil sa iyong kamalian, magpahinga ka at magsisi sa iyong kasinungalingan at magbago.”
Nawala ang lalaki pati na ang pulubi ngunit may nakakilala sa Kanya na Siya ay ang Amang Rizal. Nagsisi ang senyor at hindi na muling nagyabang, bagkus ay tumutulong na siya sa mga pulubi at binibigyan ng matutuluyan.
33. DR. RIZAL AND THE FARM FOLK
Umuwi mula sa Europa ang Amang Rizal sapagkat nalulungkot Siya at nais makisama sa mga magsasaka sa kanilang lugar sa Calamba. Kinabukasan ay nagkaroon ng paligsahan na kung sino ang maunting masasaka ay kailangang magbigay ng pagpapasaya sa grupo. Dahil sa kulang ang ensayo ng Amang Rizal sa pagsasaka ay Siya ang may pinakamaunting nasaka. Kaya’t kailangan Niyang magbigay ng sorpresang bilang. Una ay nanghingi Siya ng isang malaking pambayo kasama ang pandikdik at inilagay sa Kanyang ulo at naglakad ng pabalik-balik sa harap ng mga magsasaka. Ang sunod ay ang bao na puno ng tubig ay gayon din ang Kanyang ginawa at namangha ang mga nanood sa Amang Rizal. Ang pangatlo ay nagtawag Siya ng pinakamaganda sa mga nanonood at pinalapit. Inakala nila ay nagkakagusto ang Amang Rizal ngunit pinakuha Niya ang Kanyang singsing at sa gitna ng dilim ay ipinabato ng Amang Rizal sa sakahan sa abot ng layo na kanyang kaya.
Nagulat ang mga magsasaka at maya maya pa, makalipas ang tatlong minuto ay nakita na ang Amang Rizal at dala ang singsing. Ang sabi ng dalaga ay ito ang orihinal. Namangha silang lahat at natuwa ng gabing iyon.
34. DR. RIZAL AND HIS MYSTERIOUS CANE
Si Maria Makiling ay may kapatid na si higanteng Madak. Ito ay napakangasawa na ang pangalan ay Conda.Ngunit nagkasakit si Conda at kahit diwatang Maria Makiling at Madak ay di kayang gamutin. Nakilala ni Maria Makiling ang Amang Rizal at nangako na gagamutin si Conda. Sa sumunod na anim na araw ay gumaling si Conda at walang ibang hiningi ang Amang Rizal kundi ordinaryong yantok na baston. Ito ay palaging dala ng Amang Rizal. Isang gabi ay napaligiran Siya at katulong ng mga kalalakihang balak Siyang saktan. Natalo ang Kanyang katulong, nang Siya na ang sasaktan ay biglang kumawala ang baston at lumaban. Natalo ang mga kalalakihan at bumalik sa Amang Rizal. Sila ng Kanyang kasama ay nakauwi ng ligtas.
35. THE MYSTERIOUS CANE AND THE DOG
Bago umalis ang Amang Rizal papuntang Espanya ay nagpicnic silang magkakaibigan at napag-usapan ang malulupit na kastila. Sinabi Niya sa lahat na magpetisyon na lamang ngunit may isang sumigaw na kailangang lumaban dahil sa sampung taon ang hindi sila pinapakinggan. Habang sila ay nag-uusap ay may palapit na aso. Kinapitan ito ng Amang Rizal gamit ang Kanyang baston at madaliang namatay. “Kaya ko itong gawin sa lahat ng kastila, ngunit malinis ang konsensya ko at ito’y kasalanan sa Diyos.” Muling kinapitan ng Amang Rizal ang aso gamit ang Kanyang kamay at ito’y bumalik ang buhay. “Pakiusap huwag kayong gagawa ng ano mang masama habang malayo ako.”
Makalipas ang maraming taon ay ginagamit ng Amang Rizal ang Kanyang panulat sa paglaban sa mga kastila. Gamit din ang panulat ay isinulat Niya ang dalawang libro upang ipakita ang paghihirap ng Filipino sa pamumuno ng mga Kastila. Ngunit imbis na baguhin ang pamumuno ng mga kastila ay walang nabago at nagkaron ng pag-aaklas at gamit ang panulat ay nasugpo ang mga mapang-aping kastila sa Pilipinas.
36. DR. RIZAL AND HIS CANE IN EUROPE
Nang Siya ay nasa Europa ay maraming mababait na naging kaibigan ang Amang Rizal. Ngunit may isang French man na lagi Siyang binabato ng masamang salita. Kaya’t napagkasunduan na maglaban gamit ang baril. Barilan habang nasa malayong distansiya. Gamit lamang ng Amang Rizal ang Kanyang baston ay sinalag ang bala, gayundin ang nangyari sa lahat ng bala ng French man. Ngumiti lamang ang Amang Rizal at papalapit upang makipagkamay at makipagbati ngunit tumakbo lamang ito palayo sa takot.
37. THE CANE AND THE SPANISH CIVIL GUARDS
May mga nag-iinumang kastila sa isang tindahan at ng malasing ay nagsasabi na ng kabastusan sa mga dalagang tauhan. At isa pang binastos ay ang Amang Rizal “walang indiyo ang aatake sa kastila at makakatakas!”
Maya-maya pa ay nagpuntahan ang mga Filipino sa harap ng mga kastila dahil sa kanilang kabastusan na masama ang tingin upang ipagtanggol ang Amang Rizal na lalo nilang ikinagalit. Sa di kalayuan ay unti-unting palapit ang Amang Rizal na walang katakot-takot. Hindi naman Siya ginagalaw ng mga kastila.
Kinapitan ng Amang Rizal ang lamesa ng inuman ng kastila gamit ang Kanyang baston at walang anu-ano’y tumaas ang lamesa at bumagsak sa ulo ng mga kastila at pati na rin ang kanilang inumin.
May isang nagsalita: “Ngayo’y narito na ang Amang Rizal, bakit hindi ninyo Siya hulihin at patayin gaya ng sinabi niyo kanina?” Ikinatakot nila ito at binayaran ng Amang Rizal ang mga gulo danyos at umalis. Gabi na ng umalis ang mga kastila at nangagulat ang mga Pilipino sa baston ng Amang Rizak na handang ipagtanggol Siya sa mga kastila. “Ang mahiwagang baston!” sinabi nilang lahat.
38. DR. RIZAL UNDER ARREST
Habang naglalakad ang Amang Rizal kasama ng mga kaibigan sa Calamba ay may sumigaw na “Baliw na aso! Baliw na aso!” Nagtakbuhan ang mga tao at nag alisan ang mga bata? Ngunit isang bata ang naglalakad papunta sa tindahan at kakagatin ng aso ngunit naunahan na ito ng Amang Rizal at nakapitan ng Kanyang baston. Namatay ang nagwawalang aso at nakita ito ng mga sundalo ng kastila.
Kinuha nila ang aso at dinala sa may-ari. Ang may-ari pala ay pari at nagsabing hulihin ang Amang Rizal. Kaya’t nakahanda ng hapong iyon ang pagdakip sa Amang Rizal. Naabutan nila ang Amang Rizal na nakaupo at nakadungaw sa bintana. Ngunit pag-akyat nila ay matandang lalaki at sinabing umalis ang Amang Rizal. Kaya’t naghalughog ang kawal sa buong kabahayan at umalis. Pagtingin nilang muli sa bintana ay Amang Rizal ang naroon ngunit muling nabigo sapagkat matanda lamang ang naroon. Tatlong beses itong nangyari, nagalit ang pari at nagpadala muli ng kawal ngunit ganon din ang nangyari, kaya’t lubos ang kanilang pagtataka.
39. DR. RIZAL AND THE SPANISH SOLDIER
Inimbitahan ng gobernador ang Amang Rizal sa isang kasiyahan na inutusan ang isang kawal. Ngunit may dalawang oras na ang lumilipas ay wala pa ring bumababa sa hagdan. Aniya: “Bastinado! Anong dahilan ng Kanyang pagkatagal!” ng biglang bumukas ang pintuan sa labas at pumasok ang Amang Rizal. “Anong ginagawa mo rito? Kaya pala pinapahanap ka ng gobernador. Kanina pa natapos ang kasiyahan.” Na laking ikinagulat ng kawal at walang anu-ano’y umalis ng walang paalam.
40. DR. RIZAL AND HIS NIGHT VISITS
Mayroong kwento tungkol sa Amang Rizal na binibisita ang Kanyang kaibigan sa Misamis Occidental tuwing gabi habang Siya ay nasa Dapitan. Sa kadahilanang tuwing umaga ay ginagamot Niya ang mga tao at ginagampanan ang personal na mga Gawain.
Ang kanilang ipinagtataka ay kung pano Siya nakapunta gayong wala Siyang kabayo at madalian ding nakakauwi ng Kanyang tinutuluya sa Dapitan. Kaya’t nakuro nilang ang Amang Rizal ay pinanganak ng may kakaibang katangian.
41. DR. RIZAL AND THE TWO PRIESTS
Karaniwan na ang paghalik sa kamay ng pari kapag sila’y binabati. Ngunit binate lamang sila ng Amang Rizal at hindi humalik sa kanilang kamay. Naimbitahan ang dalawang pari at ang Amang Rizal sa isang kasiyahan sa Calamba Laguna. Dahil sa hindi paghalik sa kamay, nagkaroon ng tahimik na gulo sa pagitan ng dalawang pari at ng Amang Rizal. Kaya’t naisipan ng nag-imbita na magbigay ng kasiyahan at napili ang Amang Rizal.
Pinabuhat ng Amang Rizal ang bangkuan ng dalawang pari sa gitna ng sala at nakatayo ang dalawang pari. Maya-maya pa’y may dumating na lalaki na nanghihingi ng tulong upang gamutin ang babaeng may sakit sa mata at hindi nakakakita. Naiwan ang upuan ng mga pari sa sala at ito ay nakadikit sa sahig ng sala.
Napagaling ng Amang Rizal ang babae at pagbalik Niya ay nakatayo pa rin ang pari at nagpaumanhin Siya at walang anu-ano’y binuhat ang dalawang bangko na kanina ay walang makabuhat. Hindi na umupo ang pari at natakot na sila.
42. DR. RIZAL AND THE BANANA LEAVES
Pagkagaling Europa, naimbitahan agad ang Amang Rizal sa isang kasal. Pagkapasok sa bahay ay biglang naisipan ng ikinasal na babae na nuon ay hindi niya pinansin ngunit ngayon ay parang natutukso siya sa Amang Rizal. Agad siyang nawalan ng malay at isinugod sa silid kasama ang Amang Rizal sapagkat nakakapit ang ikinasal na babae sa kamay ng Amang Rizal. Paglabas ay nahimasmasan ang babae at inanyayahan Siyang magpakita ng palabas. Nanghingi Siya ng dalawang dahon ng saging at nag-utos na maglagay ng bangko na magkatalikod sa isa’t-isa at may dalawang talampakan ang layo. Pinatayo ang bagong kasal sa magkasalungat na harapan ng bangko sabay talon sa dahon ng saging at sinabi: “Nawa’y ang pagmamahalan ninyo ay maging kasing tiba y ng dahon ng saging na kinatatayuan ko ngayon.”
Hindi makapaniwala ang nakararami ngunit nakita nila itong tunay at nasabi na ang Amang Rizal ay mahiwaga.
43. DR. RIZAL AND THE SEER
Si kapitan Kolas ay isang mayamang may-ari ng lupain sa Calamba at may paghanga sa katapangan ng Amang Rizal sa pagtuligsa sa mga kastila. Isa siya sa mga may lupa na laging sinisilip ng mga kastila. Kaya’t nagbabayad na lamang siya ng mga buwis.
Nang malaman niyang nakauwi na ang Amang Rizal ay naghanda siya ng isang salu-salo at inimbitahan rin ang ibang may-ari ng mga lupain na sumusuporta sa Amang Rizal.
Maraming pagkain ang nakahanda pati na rin ang mga bulaklak na gusto ng Amang Rizal. Ngunit, mukang hindi makakarating ang Amang Rizal. Maya-maya’y may dumating na ulat mula sa Amang Rizal.
“Maraming salamat kapitan Kolas sa iyong imbitasyon kahit ito’y para sa aking pag-uwi. Ngunit hindi ko makakain ang mga inihanda mong mula sa pilit sa mga iyong nasasakupan. Walang nagsabi sa akin nito at ako’y pumunta lamang sa iyong mga tauhan upang dalin ang sulat na ito.
“Sila ay kasama sa mga ginigipit, kung hindi ng kastila ay ng sarili nilang mamamayan kasama sila sa aking laban.
“Umaaasa akong hindi mo sila tatanggihan kung hindi ay ako ang iyong tinanggihan.”
Ito ay Kanyang ikinagulat kasama ng mga kanyang tauhan. Natapos ang kasiyahan at ipinangako ni kapitan Kolas sa kanyang sarili na siya ay magiging pantay ang tingin sa kanyang nasasakupan.
44. THE PARADISE IN MT. MAKILING
Ang kwentong ito ay patungkol sa Amang Rizal na habang naglalakad ay nakita ang tatlong kaibigang magsasaka na nakatanaw sa Mt. Makiling at sila’y lubos na humahanga. “Oo, iyan ay totoo at dadalhin ko kayo roon ng masilayan ninyo ito ng malapitan.” Bigla silang lumutang at sumakay sa isang lumilipad na sasakyan kasama ang Amang Rizal. Nang Marating nila ang lugar ay sobrang namangha sila sapagkat meron palang daan pababa sa Mt. Makiling na pagpasok nila ay isang malaking bahay na handa ng tirhan ngunit wala namang tao doon. Sa sobrang pagod ay nagutom sila at pinaupo ng Amang Rizal at kinapitan ang lamesa. Biglang lumabas ang dalawang kahanga-hangang babae na handa silang bigyan ng pagkain. Mayroong lechon, Laguna dalag at gulay ng Calamba. Habang pinapanood sila ng Amang Rizal ay nabanggit Niya: “Itong mga magsasaka ang mga tunay na tao ng mundo sapagkat ang kanilang paghanga sa buhay ay tunay.” Pagkatapos nilang magpahinga at makuntento sa kanilang pagkain ay muling tinapik ng Amang Rizal ang lamesa at lahat sila’y napunta sa kakahuyan ng Mt. Makiling. “Ngayong nakita niyo na ang kagandahan ng Mt. Makiling ay muli na tayong magbalik bago maligaw ang inyong mga kalabaw sa Biñan.” At muli silang nakasakay sa lumulutang na sasakyan at pagkababa ay bigla na rin nawala ang Amang Rizal at ito’y ikinwento nila sa iba.
45. DR. RIZAL AND THE TIMID VIRGIN
Isa sa mga paglalakbay ng Amang Rizal sa Europa ay natigil Siya sa isang bayan na may mayamang lalaki. Ito ay may anak na babae na sobrang ilap, na kahit sino ay hindi nakikita man lang kahit pa sa bintana.
Sa paghihintay, ang nagsubok ang Amang Rizal at nagpinta ng kasing laki ng totoong puno ng Amang Rizal. Ang babae ng oras na iyon ay napilitang sumilip at huli na ng Makita niya ang puno ay isang pinta lamang pala ay tinunguhan na lamang siya ng isang lalaking Pilipino na nakakita sa kanya (Amang Rizal).
46. DR. RIZAL AND THE GERMAN PENSIONADO
Isang araw ng ang Amang Rizal ay nag-aaral sa Germany ay napatigil Siya sa isang tapat ng bahay sapagkat umuulan. May lalaking nagtapon ng basang foam sa bintana at malapit ito sa Amang Rizal. Naroon ang katulong sa labas at tinanguan Niya at sinabihang: “Sabihin mo sa nagtapon ng foam na ito na hindi na siya lalagpas ng alas doseng buhay ngayong araw na ito.
Umalis ang katulong at sinabi sa kanyang amo ang sinabi ng Amang Rizal. Muli itong bumalik at pinapasok Siya sapagkat gusto raw Siyang kausapin ng kanyang amo. Nakaharap ng Amang Rizal ang isang pensionadong Aleman at galit na pinaupo Siya. “Pirmahan mo ang kasunduang ito na Iyong sinabi ang mga binanggit sa akin ng aking katulong. Ngunit kung ako ay lumagpas ng isang minuto ay buhay mo ang kapalit.”
Walang takot itong pinirmahan ng Amang Rizal, at matapos nito ay napaniwala Niya ang pensionado at tinanong kung paano masasalba ang kanyang buhay, kinakailangan siyang operahan. At ito ay ginawa niya at nagpatawag ng dalawang Alemanyang doktor at natanggal ang isang supot ng malatintang mula sa kanyang puso. Kinuha ito ng Amang Rizal at inilagay sa isang garapon at nilagyan ng alcohol. Silang lahat ay nakatingin at saktong alas dose ay sumabog ang supot at kumalat ang malatintang likido. Napaluha at nagulat ang pensionado at tinanong ang Amang Rizal kung anong gusto Niyang gantimpala at Siya’y mayaman. Umalis ang Amang Rizal at isinagot na nais Niya ng karagdagang karunungan na hindi nito kayang ibigay.
47. DON EUSEBIO’S EYES
Si Don Eusebio ay isang malupit na mayaman na lubos na iniiwasan hindi lang ng kanyang mga tauhan at mga kakilala. Isang araw ay may nabasag na mamahaling plato ang kanyang katulong at sa galit niya ay nilatigo niya ito ng paulit-ulit. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay natamaan siya ng kanyang latigo sa mata at ito’y nagdugo at parehas silang nakahiga sa lapag kasama ang nanghihinang katulong. Sa takot ng lahat at kamag-anak ay naghanap sila ng magaling na doktor ngunit walang sinumang doktor ang kayang gumamot sa mata niyang bulag at tanging ang nakabasag na katulong na lang ang kasama niya upang bayaran ang nabasag na plato.
Nagkataong nakauwi na ang Amang Rizal mula sa Europa at agad nilang pinatawag at nanghingi ng tulong. Sinabi ng Amang Rizal na dapat operahan dahil mas lalong tumatagal ay hindi na ito masusulusyunan. Natakot ang don at nagmakaawa sa Amang Rizal, ngunit Aniya ay sa Paris lamang ang mga aparato na kakailanganin. Ngunit hindi na kaya ni don Eusebio kaya’t ang Amang Rizal na lamang ang umalis at binigyan Siya ng pambili ng mga kagamitan. Walang ilang sandal ay dumating ang Amang Rizal at matapos ang operasyon ay tinawag ang lahat ng kamag-anak, sapagkat hindi nag-asawa si Don Eusebio, kasama nito ang tauhang nakabasag ng plato. Nang makita ito ng don ay napaluha siya at lubos na nagpasalamat. Matapos nito ang katulong ay ginawa niyang katiwala sa lahat ng kanyang ari-arian at nagbago ang kanyang salbaheng ugali. Hindi na rin siya matapobre at naging mapagbigay sa lahat ng mahihirap. Kinuha ng Amang Rizal ang mga kagamitan ayon na rin sa don ngunit hindi Siya naningil.
48. THE SEVEN FACES OF DR. RIZAL
Nang makulong ang Amang Rizal sa Fort Santiago ay may kababalaghang balita tungkol sa Kanya. Ilang araw bago Siya hatulan ay nakiusap Siyang dalawin ang isang kaibigan ng ilang oras at Siya’y pinayagan, naalala ng pulis na naiwan niya ang susi ngunit napaatras siya ng makita ang pitong mukha ng Amang Rizal sa loob ng kulungan. Agad itong iniulat sa ibang pulis at nakita rin ito ng mga pulis at kasama na ang punong pulis. Nang makabalik Siya sa kulungan pagkatapos ng dalawang oras ay wala ni isaman ang nagtanong bagkus ito ay naging tanong sa isipan na lamang at talagang mahiwaga ang Amang Rizal.
49. THE MYSTERIOUS PROFESSOR
Mula sa maraming tao ay hindi tunay na namatay ang Amang Rizal pagkabaril sa Bagumbayan Siya ay bumalik sa Calamba at nagtungo sa Cebu pagkatapos. Siya ay nagturo sa kolehiyo tuwing Miyerkules ng latin at kastila ng dalawang taon. Nag-iba ng pangalan ang Amang Rizal ng Gonzaga at nagsusuot ng itim na pantalon at putting damit pang itaas. Sa bandang huli ay nadiskubre na Siya ay ang Amang Rizal ng isang istudyante at isang pari kaya’t agad Siyang umalis ng maayos sa trabaho at hindi na muling nakita pa.
50. DR. RIZAL THE PORTRAIT OF HIS PEOPLE
Maraming taon ang lumipas may isang pintor na Aleman ay nagpunta sa ibat-ibang bansa at ang huli ay Pilipinas upang magpinta ng tipikal na mukha ng tunay na Pilipino . Ngunit matagal na ay hindi siya nakakakita kaya’t sa katagalan ay ayaw niyang mabakante at nagpunta siya sa isang lugar na sakahan sa ilalim ng puno. Nang may isang binatang lalaki ang nahuli niyang nanunuod sa kanyang ginagawa. Ito ay humingi ng paumanhin at aalis na sana ngunit piniit ng pintor at nakiusap na ipinta niya Siya. Napagkasunduang sa loob ng dalawang lingo sila magpipinta at makalipas ang isang lingo at ilang araw ay kinausap ng pinto rang kaibigang Pilipinong tinutuluyan niya na may napili na siya ngunit hindi muna ipapakita dahil hindi pa tapos.
Nang matapos ang ipinipinta ay nag-usap sila at nais niyang malaman kung ano ang pangalan ng bagong kaibigan ngunit biglang kumulog at kumidlat at biglang umulan. Kaya nalimutan na niya ang kaibigan at nagmamadaling iniligtas ang likhang ipininta at isinaayos. Ipinakita niya ito sa kaibigang tinutuluyan at nabigla ito sa ganda ng gawa at sinabing tunay na mukha ito ng isang tipikal na Pilipino sapagkat ito’y Bayani ng Pilipinas. Pinakita sa ibang katulong at sila’y namangha, ngunit nagulat siya na ang nakapinta ay wala nan g ilanpung taon na ang nakakaraan. Sinabihan siyang walang maniniwala sa kanya kaya’t itago na lamang niya ang sikretong ito, ngunit ito’y kanyang pinanindigan.