Sinikap namin na muling maipalimbag itong “Liham ni Rizal sa Kadalagahan ng Malolos” upang patuloy na mapalagananp ang mahalagang sulat na ito ng ating dakilang bayani. Sa mula’t mula pa ay pinagsikpan na ng mga kaaway ni Rizal na lipulin ang kaniyang mga aklat, sapagkat ang lahat halos ng kaniyang mga sinulat ay pawang nagbubunyag ng mga kabuktukan at maling aral ng mga prayle.
Noong una ay nakapagpapanggap pa sila at naitatago ang kanilang maitim na hangarin laban sa mga sinulat ni Dr. Jose Rizal. Subalit sa kasalukuyan ay hindi na nila makilalaila sa sangbayanan, na pgkatapos nilang agawin sa atin ang buhay ng ating pinakamamahal na bayani, ay pinagpipilitan naman nilang lipulin ang mga simulain at ara nito na napapaloob sa kaniyang mga aklat.
Ganap na nabunyag sa bayan ang kanilang