(Matthew 10) English
5 These twelve Jesus sent out with the following instructions: “Do not go among the Gentiles or enter any town of the Samaritans. 6 Go rather to the lost sheep of Israel. 7 As you go, proclaim this message: ‘The kingdom of heaven has come near.’8 Heal the sick, raise the dead, cleanse those who have leprosy, drive out demons. Freely you have received; freely give.
(Mateo 10) Filipino
5 Ang labindalawang ito’y isinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan, “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. 6 Sa halip, hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. 7 Humayokayo’t ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. 8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. 9 Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso. 10 Sainyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay.
A.
(Genesis 32 )English
30 So Jacob called the name of the place [j]Peniel: “For I have seen God face to face, and my life is preserved.” 31 Just as he crossed over [k]Penuel the sun rose on him, and he limped on his hip. 32 Therefore to this day the children of Israel do not eat the muscle that shrank, which is on the hip socket, because He [l]touched the socket of Jacob’s hip in the muscle that shrank.
(Genesis 32) Filipino
30 Sinabi ni Jacob, “Nakita ko ang mukha ng Diyos, gayunma’y buháy pa rin ako.” At tinawag niyang Peniel[c] ang lugar na iyon. 31 Sumisikat na ang araw nang umalis siya roon at papilay-pilay na lumakad. 32 Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayo’y hindi kinakain ng mga Israelita ang litid ng pigi ng hayop, sapagkat iyon ang bahaging napilay kay Jacob.
B.
(Matthew 5) English
8 Blessed are the pure in heart,
For they shall see God.
(Mateo 5) Filipino
8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso,
sapagkat makikita nila ang Diyos.
C.
(Genesis 35) English
1 Then God said to Jacob, “Arise, go up to Bethel and dwell there; and make an altar there to God, who appeared to you when you fled from the face of Esau your brother.”
(Genesis 35) Filipino
1 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.
D.
(Genesis 18) English
1 Then the Lord appeared to him by [a]the terebinth trees of Mamre, as he was sitting in the tent door in the heat of the day. 2 So he lifted his eyes and looked, and behold, three men were standing by him; and when he saw them, he ran from the tent door to meet them, and bowed himself to the ground,
(Genesis 18) Filipino
1 At napakita ang Panginoon sa kaniya sa mga punong encina ni Mamre, habang siya’y nakaupo sa pintuan ng tolda, ng kainitan ng araw.
2 At itiningin ang kaniyang mga mata at nagmalas, at, narito’t tatlong lalake ay nakatayo sa tabi niya: at pagkakita niya sa kanila, ay tinakbo niya upang sila’y salubungin mula sa pintuan ng tolda, at yumukod siya sa lupa.
E.
(Job 42) English
Then Job answered the Lord and said:
2 “I know that You can do everything,
And that no purpose of Yours can be withheld from You.
3 You asked, ‘Who is this who hides counsel without knowledge?’
Therefore I have uttered what I did not understand,
Things too wonderful for me, which I did not know.
4 Listen, please, and let me speak;
You said, ‘I will question you, and you shall answer Me.’
5 “I have heard of You by the hearing of the ear,
But now my eye sees You.
6 Therefore I abhor[a] myself,
And repent in dust and ashes.”
(Job 42) Filipino
1 Nang magkagayo’y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
2 Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay,
At wala kang akala na mapipigil.
3 Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?
Kaya’t aking sinambit na hindi ko nauuunawa,
Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman.
4 Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako’y magsasalita;
Ako’y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin.
5 Narinig kita sa pakikinig ng pakinig;
Nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata,
6 Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako
Sa alabok at mga abo.
(Matthew 17) English
5 While he was still speaking, behold, a bright cloud overshadowed them; and suddenly a voice came out of the cloud, saying, “This is My beloved Son, in whom I am well pleased. Hear Him!”
(Mateo 17) Filipino
5 Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
(Matthew 7) English
21 “Not everyone who says to Me, ‘Lord, Lord,’ shall enter the kingdom of heaven, but he who does the will of My Father in heaven. 22 Many will say to Me in that day, ‘Lord, Lord, have we not prophesied in Your name, cast out demons in Your name, and done many wonders in Your name?’ 23 And then I will declare to them, ‘I never knew you; depart from Me, you who practice lawlessness!’
(Mateo 7) Filipino
21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba’t sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”
(John 10) English
16 And other sheep I have which are not of this fold; them also I must bring, and they will hear My voice; and there will be one flock and one shepherd.
(Juan 10) Filipino
16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
(Matthew 6)English
5 “And when you pray, you shall not be like the b]”>[b]hypocrites. For they love to pray standing in the synagogues and on the corners of the streets, that they may be seen by men. Assuredly, I say to you, they have their reward. 6 But you, when you pray, go into your room, and when you have shut your door, pray to your Father who is in the secret place; and your Father who sees in secret will reward you c]”>[c]openly. 7 And when you pray, do not use vain repetitions as the heathen do. For they think that they will be heard for their many words.
(Mateo 6)Filipino
Katuruan tungkol sa Pananalangin
5 “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.
(Matthew 7)English
13 “Enter by the narrow gate; for wide is the gate and broad is the way that leads to destruction, and there are many who go in by it. 14 Because narrow is the gate and difficult is the way which leads to life, and there are few who find it.
(Mateo 7)Filipino
Ang Makipot na Pintuan
13 “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. 14 Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.”
(Matthew 7)English
15 “Beware of false prophets, who come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ravenous wolves. 16 You will know them by their fruits. Do men gather grapes from thornbushes or figs from thistles? 17 Even so, every good tree bears good fruit, but a bad tree bears bad fruit. 18 A good tree cannot bear bad fruit, nor can a bad tree bear good fruit. 19 Every tree that does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire. 20 Therefore by their fruits you will know them.
(Mateo 7)Filipino
Sa Gawa Makikilala
15 “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo’y mababangis na asong-gubat. 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa matitinik na halaman? 17 Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. 18 Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno. 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. 20 Kaya’t makikilala ninyo ang mga huwad na propeta sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”
(Matthew 5) English
11 Blessed are you when they revile and persecute you, and say all kinds of evil against you falsely for My sake. 12 Rejoice and be exceedingly glad, for great is your reward in heaven, for so they persecuted the prophets who were before you.
(Mateo 5) Filipino
11 “Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan][a] nang dahil sa akin. 12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.”
(Matthew 15) English
13 But He answered and said, “Every plant which My heavenly Father has not planted will be uprooted. 14 Let them alone. They are blind leaders of the blind. And if the blind leads the blind, both will fall into a ditch.”
(Mateo 15) Filipino
13 Sumagot siya, “Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. 14 Hayaan ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay [ng mga bulag;][b] at kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.”